Today’s theme is Eksayted/Excited
Sino ang magsasabing excited ang bata sa pagkakita kay Sulley (Monsters Inc – Disney Pixar)? Kahit ako ay nagulat sa dambuhalang mascot na ito noong pumasyal kami sa Disneyland Paris ng nakaraang taon.
Ipinasyal namin ang mga bata at inasahan namin ni H (hindi ako yan, s H nung longhair pa) na mageenjoy sila dito dahil kilala nila lahat ng mga characters . Sa isang banda ay ganun nga, pero mukhang mas eksayted pa kaming dalawa na batang puso (isip-bata?). Kitang kita naman sa ngiti nya at talagang pumila sha para magpa-autograph kay Mickey Mouse!
Eto naman ang aming prinsesa, eksayted ng makita ang kastilyo ni Sleeping Beauty kaya naman nagbihis pa ng gown nya…Siyempre, eksayted din ang stagemama sa pagkuha ng litrato nya…pero mas excited ako ng paguwi namin galing sa Paris ay meron akong natanggap na kopya ng magazine kung saan nalathala ang litrato ng aming prinsesa bilang modelo ng Libro, isang tindahan ng mga gamit sa opisina at eskwela.
Happy LP po sa inyong lahat…excited na kong makita ang iba pang lahok!
Lanya, tinakot ni Sulley!!! Napatahan mo ba agad tita G? ha ha ha! Nakaka excite nga yang trip nyo at kita excitement ng prinsesa sa kanyang gown 🙂
Happy LP po!
(psst mala sirena pala hair ni fafah nuon he he)
kahit ako eh takot kay sulley, hehehe! your lil princess is all smile sa disney adventure nyo hah. maligayang LP, gzel. happy holidays, mwaaah!
Bat wala ka sa piktyur?
Uy model pala si lil princess.
grabe ang iyak ni anak nang makita si sulley! sa California, nasa Disney California Adventure ang Monster’s Inc. na ride. 🙂 pareho pala tayo ng lahok…Disneyland! 🙂 nakailang punta na ako ng Disneyland pero naeexcite pa rin ako!
hahaha! nataw ako sa comment ni titaT! baliw talga ang lolang itow! pero maging sino man siguro talgang ma-excite pag disneyland na ang pinag-usapan ano? haaaay…sana ay makabalik o makapunta ng Paris ang beauty ko soon…
ang kyut ni sulley at syempre aliw talaga ako sa mga kids mo very happy kiddos 🙂
asan ka??? hhahaha!
happy lapis!
Ganyan din reaction ng anak ko nung una. Takot sa mga mascot!
Maligayang araw! Ito ang sa akin:
http://tanjuakiohome.blogspot.com/2008/12/lp-ang-pagwawagi-at-eksayted-victory.html
Naku, kawawa naman, aba sa laki ba namannitong Sulley na ito, kahit ako baka mabigla, hehe…
Excited nga si little girl, at syempre ang ganda ng larawan niya sa magasin 🙂
So far 3 na tayo (yata) hehehe….Disneyland din ang lahok ko kaya agree ako sa sinabi mo.
natawa ako dun sa pic ng anak mo kasama si sully… kungsabagay, kung ako rin yung bata e matatakot din ako sa kanya. LOL!
hala natakot kay sulley! exciting talaga and disneyland!
nakuuu…natakot 🙂
ganda rin ang kuha.
bisita ka rin sa entry ko:)
monkeymonitor.blogspot.com
Lahat excited! Natuwa ako sa mukha ni Sulley. Parang nagulat siya na natakot ang bata sa kanya.
Ang aking LP entry ay naka-post dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!
sana makapunta din ako dyan.. congrats sa magazine.. modelo na.. galing.. silip ko nman sken Eksayted sa pasko
nakakatuwa- nung una akong nakarating sa Disneyland sa Amerika, parang higit 50% ang mga may edad 15 pataas, at sila yung labis-labis ang pagka-enjoy at ka-excited-an… siguro nga kinakailangan ng antas ng maturity para talagang ma-appreciate ang Disneyland =] o talagang lahat, anuman ang edad, may bahagi na nananatiling bata =]
nakakatuwa ang expression ng little boy mo sa unang litrato. excited na may halong takot (hahaha)—kita pati ngala-ngala.:D
Natakot si litol boy kay Sulley! Natawa ako sa sabi ni Luna (kita daw pati ngala-ngala!)…
haha, ang cute nung unang litrato…ang laki nman ni sulley!
sana makadaan kadin sa aking lahok.
happy lp
Very nice pictures! Sa tingin ko, balang araw ay makikita ko ang iyong dalaginding na bilang na sikat na modelo diyan sa Europa. In my humble opinion, she’s already getting the appropriate exposure. Plus, she has the looks! 🙂
As for your bunsoy, sana naman ay hindi na-traumatize iyan dahil sa panggugulat ni Sulley. 🙂
parang takot yata yung baby mo sa first picture. hehe
Ang haba ng buhok ni Papa (literally and figuratively) sa kanyang pagka-excited with the kiddos sa Disneyland – hehehe! 🙂
Kagulat nga naman si Sulley e! At tunay na prinsesa ang dating ni hija – ganda!
Yay Disneyland!:D Pakita mo sa kanya yan ‘pag tanda niya, hehehe.
saya naman mag disneyland talaga…lahat ng tao dun bata!!!
HAppy LP!!!
heto
ng aking lahok–> http://eloiselei.blogspot.com/2008/12/lp36-eksayted.html
hehe, natakot ke sulley…
pasensya na at nahuli, pakisilip po ang aking lahok… 🙂
Hehe, siguro mas excited ang mga pusong bata. natuwa ako diyan ha G. Wow galing naman, itago mo magandang souvenir iyan for your little girl.
haha kitang kita ang takot, at naririnig ko ang sigaw nya.
Uy magkano talent fee ni dalaginding?
exciting talaga pumunta ng disneyland at makita yong mga characters na matagal na nating nakikita sa sine lang. ako excited din noon sa tokyo disneyland lalo na magpapicture kay mickey mouse. mas malaki pa sya kesa sa akin.
Uy Disneyland!… Ang galing talaga ng mga kids mo.
hay naku, totoo yan, nung magdisneyland din kami nuon ng daughter ko, mas excited pa ata ako kesya sa kanya hahaha
have a great weekend.
wow! lahat ata talaga ma-excite basta disney…kaso natakot/nagulat naman ata si baby sa laki nitong si Sulley.
Reflexes
Living In Australia
malamang eh hindi na-excite ang bata kay Sulley 🙁 pero kung ako yan, mae-excite akong makita sya 🙂
Naku talaga naman nakaka-excite ang Disneyland. It’s for everyone!
hello! di sya na excite ke sulley! 😉 pero sa disney, excited naman ang iyong mga kids!
your kids are all adorable! dream ko magkaron ng 3 anak..someday! para laging me tiebreaker! 🙂
lahat naman excited pag nasa Disneyland yata eh! buong Khan family all smiles ha! 😀
G, grabe ang iyak ng iyong anak…naawa naman ako… dapat batukan yang si Sulley… sabagay mas cute pa nga siya kaysa kay Mike… na imagin mo ba kung anong takot lalo ng anak mo kung siya ang lumabas… isang malaking matang naglalakad…hehehe!
Ang galing naman ng anak mo at model siya diyan… sabagay sa ganda niya, dapat naman ano!