Today’s theme Kinagisnan/Grew up with.
Today’s theme was particularly tough, I do not have much photos from home and so I had to scavenge from my archives. Ironically, I should have posted these photos for last week’s theme “Would you perhaps remember?” (Kainis bakit ba kelangan ko pang isulat ang post na ito sa Ingles hahahaha.)
I grew up with the jeepney as the main vehicle of transportation. My dad started out driving his own jeepney when he dropped out from college. (He was taking Education back then). After saving up money, he then left to search for greener pastures overseas. The jeepney was left to be ‘pahiram’ where the driver would get a percentage of what he earned that day.
Laki ako sa jeep, simula pagkabata, eto na ang nakikita ko sa garahe (oo ako yang nasa picture! lol.) Nung magsimula akong mag-aral ay sakay na ako ng jeep papuntang eskwela. Hanggang kolehiyo ay jeep dahil bukod sa tipid eh mas mabilis silang humarurot sa FX! (joke) Hindi ba nakagisnan mo na rin ang pagsakay sa jeep minsan sa iyong buhay? (Kahit me kotse siguro, naranasan nyo pa din ang sumakay sa jeep?)
The Children’s playground! If I remember correctly this is near Luneta (guys, correct me if I’m wrong).
Siguro grade 1 ako nito at ang ate ko naman ay grade 2. Habang nagbloghop ako ay nalaman ko nandun pa rin ito.
Happy LP sa lahat! Kahit super late…=D
drayber din ang tatay ko noon:) at pareho tayo laki sa dyip:D siyempre pa, hanggang ngayon dyipni psahero pa rin ako, mas gusto ko kasi.
Ang kyut nung batang naka orange, batibot! Aruuuu buti nakahalukay ka ng pics, precious!
o sya tara na, back-up ako sa Alone ..grabe, rakista voice mo pala ha! Pondo ko mga numbers ng Heart nung nag-start pa lang ako kumanta, kaso ng magsagas na lalamunan sa gabigabi at ilang oras na pag ngawa ayun, may peklat na lalamunan 🙁
yup sa luneta yan sa childrens park near taft ave. 🙂 ang pix ko lang jan eh yung fish 🙂
naalala ko tuloy nung ako’y estudyante (marming taon na ang nakararaan) araw araw ay jeepney ang aking sinasakyan;huwag ko lang malimutan ang panyo pantapal sa ilong o ang pamaypay pag napasabak sa traffic, ok na ok talaga ang jeep 🙂
kamuka mo pala si youngest boy! hhhmmm kungdi ako nagkakamali, yan yung parang park sa may taft(near UN ave), malapit nga sa luneta.
Beri kyut ka naman nung bubwit ka pa, kaya pala puro kyut din tatlong bubwit mo eh.
ah jeepney, pinoy na pinoy 🙂
salamat sa pagdalaw! better late than never.
ang ganda ng iyong mga larawan…nakapagpapaalaala ng mga bagay bagay na minsang nakapagpapasaya. miss ko na ang dyip at ang luneta.
Reflexes
Living In Australia
Oo naman, naalala ko pa noong kasama ko ang lola ko sumakay sa dyip tuwing nagbabakasyon ako sa kanila. Aliw na aliw ako doon sa mga kabayo sa harap at pati na sa mga ilaw sa loob ng ibang jeepney.
Happy LP, G!
pareho pala tayong laki sa dyip…yan din ang kabuhayan ng ama ko nung bata pa kami. sarao pa nga yung dyip namin noon. 🙂
ako naman ay lumakaing naglalakad lang papasok sa iskuwela mula kindergarten hanggang kolehiyo. walking distance lang kasi ang mga paaralan kaya di ko kailangang mga dyip. 🙂