Today’s theme Madumi/Dirty.
Ang lamparang ito ay hindi naman gasera, makikita ninyo sa loob ang bombilya, (energy saving pa!). Pero sadyang madumi ang loob nito kahit ang poste na itim ay madumi naman talaga…mukhang may kalawang pa.
Ang lamparang ito ay matatagpuan sa parke ng Maria Theresien Platz na kung saan matatagpuan din ang kambal na museong pangsining at pang-agham, ito ay nasa unang distrito ng Vienna. Ang parke at ang mga museo ay itinayo noong 1819 bilang pagkilala at pag-alaala kay Maria Theresa, ang kaisa-isang babaeng namuno sa 650-taong dinastiya ng Habsburg sa emperyo ng Austria at Hungary.
Ngunit kahit na ang parke ay itinayo mahigit 100 taon na ang nakaraan ay hindi naman ganoon katanda ang bombilya nito, siguradong pinapalitan naman iyan kapag napupundi…talaga lamang sigurong pumapasok ang dumi sa loob ng bolang salamin (?) na ito.
Ibang mga litrato ng parke dito.
Happy LP!!!
—-
The glass lamp surely is dirty. This lamp is at the park of the Maria Theresien Platz, a square with the Science and Art Museums on each side. The park is located at the 1st district of Vienna at the Ringstrasse which is readily available for tourists to see. The park and the museums were constructed in 1819 as a memorial to Empress Maria Theresa, the only female to rule during the 650-year-long Habsburg dynasty.
Even though the place is more than 100 years old, surely the lamp is not as old. Perhaps dust easily gets its way into the glass ball…
See more of the Maria Theresian Platz here.
=)
Lastly, here is a description of dirty, one that you can’t think actually exists.
aba at may park pala ako dyan? *lol* ang sarap is-isin ng lampara ha ha!
tita G, Happy LP to you, happy LP to you, Happy LP Happy LP…Happy LP to you!
nyahahaha kinantahan pa!
sa palagay mo kaya ay maiisipan pa nilang linisin iyan? isasabay na lang siguro sa pagpalit ng bumbilya ng poste. hee hee. 😛
onga madumi nga, pero maganda naman ang larawan:)
Di bale, nakadagdag naman kahit paano yung dumi sa pagka-antigo ng lugar 🙂
Maraming maraming salamat nga pala sa iyong “pag-aalaga” sa amin sa Vienna at sa pauwing “loot bag”! 🙂 Sana ay magkita naman tayo sa susunod…
Ingat lagi!
oo nga, parang ang sarap linisin ang lampara at lalo pa na maraming nakakakita nito. maligayang LP sa iyo:)
That is a beautiful light, even if it is a llittle dirty!
madumi nga, pero maganda sya! happy thursday 😀
nakakadagdag nga sa authenticity nya ang dumi L)
beautiful! yung dumi e pandagdag sa charm ng mga lampara =] ganda ng kuha!
ang ganda naman ng kuha mo, G. kahit madumi ang lampara na yan, sosy pa rin ang dating.:D
madumi nga, pero charming naman 🙂
palagay ko mahirap linisin yan.
kakatuwang tignan parang reyna, may korona ang bombilya…
Thanks for bits of history 🙂 Gusto ko yong parang korona sa ibabaw nya.
ang rich ng culture and history talaga diyan sa inyo no? pag ganyan ang lamp post dito sa maynila. sigurado after one week wala ng bumbilya yan. nanakaw na. hehe.
mahirap nga naman linisin yan!
Eto ang aking lahok.
Wow! Sobrang ganda ng kuha mo! Ang galing!
Ito po ang lahok ko.
nice… mahirap maglinis nyan… hehehe… pasensya na at nahuli ako, pakisilip ang aking lahok…. 🙂
malamang iba ang tagalinis sa tagapalit ng pundidong ilaw…baka mataas kaya’t nakakatamaran na ding linisin 🙂
salamat po sa iyong pagdalaw ha!
madumi pero magandang ilaw.
nakita ko yung mga pics mo sa parke. ang sarap bumisita. wish ko lang talaga 🙂